Cavite State University - Trece Martires City Campus

Bakasyon sa Bansa, Aprubado na nga ba?

         Nagbukas ng pahayag ang Department of Tourism (DOT) nito lamang ika-27 ng Pebrero 2021 ukol sa muling pagbubukas ng turismo sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Aprubado rin ng kagawaran ang mga protokol na itinakda ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa mas ligtas na paglalakbay sa lahat ng Local Government Unit (LGU). Ito ay isinagawa upang mapalakas ang turismo ng bansa. Kasabay ng pahayag na ito ay ang unti-unting pagbubukas ng mga patok na pookpasyalan sa Pilipinas.

         Suportado ng DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa desisyong ng tagapamahala ng Puerto Princesa City na muling magbukas sa publiko ngunit kinakailangan ang pagsunod sa pamantayan na itinakda ng IATF ukol sa pagpapatupad ng ligtas na pakikipaginteraksyon sa isa’t-isa.

         Napaulat rin na magbubukas ang isa pang bahagi ng Palawan, ang Coron, upang mainit na salubungin ang mga turista sa kanilang lugar. “Giving our recovery plans for Coron a major boost is the Sustainable Tour- ism Development Project or STDP, which will be launched this year and will run throughout 2026”,pahayag ni DOT Secretary Bernadette Romu- lo-Puyat sa diskusyon kasama ang mga stakeholders noong ika-4 ng Marso 2021.

         Matatandaang sumang-ayon ang DOT sa pahayag ng LGU ng Baguio na muling buksan ang turismo ng lungsod sa mamamayan ng Luzon partikular na sa National Capital Region (NCR) at mga rehiyon 2 at 3 noong ika-3 ng Oktubre noong nakaraang taon. Iginiit ng mga ito na lubhang mapalalakas ang turismo sa muling pagdagsa ng mga turista sa nasabing lungsod.

         Nakalulungkot isipin na sa kadahilanang bagsak ang ekonomiya ng bansa, turismo ang isa sa may pinakamalaking ambag upang matulungang umangat ang ekonomiya ng Pilipinas. Sa kabilang dako, ito rin ang isa sa pinakamalaking dahilan upang patuloy na lumaganap ang dami ng naitatalang kaso dulot ng Coronavirus Disease- 2019 (COVID-19).

         Ang pagkainip sa bahay ay isa sa mga dahilan upang maisipan ng mga iilan ang pagbabakasyon. Ilan din sa mga artista ay nagbahagi ng kani-kanilang larawan sa nstagram habang naglalakbay sa loob ng bansa. Ang kanilang impluwensya ay isa sa mga hudyat sa mamamayan na huwag matakot sa sakit na ito at patuloy na lumbas ng bahay sa tuwing nabuburyong o may okasyon.

         Lubos na nakababahala ang epekto ng pandemyang ito. Pagsasara ng samu’t-saring negosyo, pagkagutom ng mga mamamayan at pagkamatay ng hindi bababa sa labing-tatlong milyong Pilipino ang dulot ng sakit na ito.
Palaisipan na sa bawat mamamayan kung magtitiis sa mahigpit ngunit maikling pananatili sa bahay o panakaw na paglalakbay ngunit mas mahabang pagkaburyong sa tahanan. Tanging may bukas na isipan lamang ang makakahanap ng sagot sa palaisipang ito.
 
         Bawat araw, walang Pilipino ang hindi naapektuhan ng pandemyang ito. Gayunpaman, aprubado na ng nakatataas ang pagbabakasyon sa bansa ngunit kinakailangan lamang ng tamang pagsunod sa paggamit ng facemask at face shield upang malimitahan ang dumaraming kaso ng COVID – 19.